It's a Goodbye! "PBB All-Stars" Soon on ABS-CBN
5:41 AM
PBB
August 2005 nang unang magbukas ang pinto ng Bahay ni Kuya para sa first 12 Housemates ng kauna-unahang season ng "Pinoy Big Brother." And after 9 years, mayroon na tayong 11 seasons from 3 editions (Regular Season, Celebrity & Teen Editions) kung saan daan-daang Pinoy ang tumira sa pinakasikat na bahay ng bansa.
Sila ang mga Pinoy na tinawag na Housemates. Binahagi nila ang kwentong buhay at pagkatao nila sa buong bayan. Mga Housemates na nagpakatotoo at kinaya ang mga hamon ni Big Brother, ang may-ari ng Yellow & Blue House.
May mga Housemates na kinainisan natin, meron namang pinakilig, pinatawa at pinaiyak tayo. Dahil minsan nakikita natin sa kanila ang ating sarili, ang ating kwento kaya binansagan itong Teleserye ng Totoong Buhay. At sa bawat pagtatapos ng bwat edition, may isang Housemate ang tinatanghal na Big Winner at pagkatapos ng gabing ito, makikilala natin ang 11th Big Winner ng reality show na pinakamamahal natin.
Pero lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan. Next year is the 10th anniversary of PBB, at sa taong ito, magaganap ang pinakahihintay ng lahat ang "Pinoy Big Brother All-Stars" kung saan muling titira ang mga Ex-Housemates na tumatak sa atin mula sa iba't-ibang edisyon. This edition will also mark the Final season of "Pinoy Big Brother."
Gustong tapusin ng Kapamilya network ang reality show na ito habang ito ay nasa tuktok pa. Iniisip ko pa lang naiiyak na ako. But I'm hoping that the last season will be the best. Salamat, Kuya!
About byx speaks
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Morbi adipiscing augue quis augue egestas, sed gravida diam viverra. Ut vehicula quis nisi consequat rutrum.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
i hope kapag natapos tong season na to na magpakita na si KUYA...
ReplyDelete10 years syang mystery sa atin e..